Paano ba makakatipid sa sabon, toothpaste, at shampoo

Saturday, October 24, 2009

Ngayong patuloy na nagmamahal ang bilihin, mahalaga ang pagtitipid sa lahat ng bagay. Kahit mga ordinaryo kagaya ng sabon, shampoo, at toothpaste ay kailangang matuto tayo ng tamang pagtitipid sa mga ito lalo pa't araw-araw nating ginagamit ang mga ito.

Simulan natin sa sabon (pampaligo nga pala ang tinutukoy ko). Mas makakatipid kung gagamit ka ng bimpo sa paliligo. Sabunin ang bimpo pakatapos basain ang buong katawan. Gamitin ang sinabong bimpo para kuskusin ang iyong balat. Sa ganitong paraan, hindi mabababad ang sabon kaya mas matagal itong matunaw.

At kapag maliit na ang sabon, yung malapit nang maputol sa sobrang nipis na, huwag mo nang gamitin. Kasi kapag ginamit mo pa tapos naputol habang ikinikiskis mo sa balat mo, ang tendency ay hahayaan mo na lang itong anurin ng tubig. Sayang.

Huwag ding itatapon ang manipis na sabon. Lalong masasayang. Sa halip, bumili ka na ng bagong sabon. Kadalasan naman kung ano ang ginagamit mong sabon yun at yun din ang bibilhin mo sa susunod. Kapag nabuksan mo na ang bagong sabon, kunin mo yung tirang sabon at basain ng konti. Pakatapos basain ng konti, idikit ito sa bagong sabon. Sa ganitong paraan, magagamit mo pa ang tira mong sabon. Tipid, hindi ba?

Para naman sa toothpaste at shampoo, magkaparehong paraan ang ihahayag ko dito.

Kung gagamit ng shampoo at toothpaste, Kumuha muna ng konti, mga kalahati ng regular mong gamit, o mas konti pa. Yun lang muna ang gamitin mo. Hayaan mo lang kung hindi masyadong bumula.

Pakatapos, magmumog ng isang beses kung nagsisipilyo, o banlawan ng konti ang buhok kung naliligo. Pakatapos, kumuha ulit ng konting shampoo o toothpaste. Maaring kasing-dami ng una mong kinuha o mas konti pa. Mag-toothbrush o mag-shampoo ulit.

Sa pagkakataong ito, magiging mabula na sila at magiging mas malinis ang iyong pakiramdam. Mas matipid ito kaysa kukuha ka agad ng marami. Pakatapos mong mag-shampoo o mag-toothbrush pakiramdam mo hindi gaanong nalinis ang mga ngipin o buhok mo, uulitin mo ang pagsepilyo at pag-shampoo. Sayang. Dapat magtipid.

Read more...

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP