Paano ba maglaro ng FarmVille sa Facebook

Thursday, December 17, 2009

Ang FarmVille iy isang masaya at nakakaaliw na laro na nilikha ng Zynga at matatagpuan sa Facebook. Kung nag-eenjoy ka sa mga inter-active games, para sa'yo ang larong ito. Ang mga sumusunod ay ang mga panimulang hakbang upang makapaglaro ng FarmVille.

Una, kung may friend ka na sa Facebook na naglalaro ng FarmVille, i-click mo lang ang "Play FarmVille Now" na makikita sa kanyang post na may kinalaman sa FarmVille. Kung wala pa, kailangan mong mag-sign up sa Facebook gamit ang link na ito, http://apps.facebook.com/onthefarm/index.php.

Ikalawa, kailangan mong gumawa ng character na syang magiging farmer mo. Maaari mong i-customize ang iba't ibang katangian ng iyong farmer.

Pangatlo, bilang pasimula, mayroon kang 300 coins at anim na plots. Apat sa anim ng mga plots na ito ay may nakatanim nang mga binhi at bibigyan ka ng isang dagliang pagsasanay kung paano ang pag-ani ng mga pananim na maaari nang anihin. Para malaman kung handang nang anihin ang isang plot, itapat lamang ang mouse dito at malalaman mo na kung ito ay aanihin na o tumutubo pa lamang.

Pang-apat, kapag dapat nang anihin ang iyong pananim, i-click lamang ito at agad itong aanihin ng iyong farmer. Kapag natapat ang iyong mouse sa nakatiwangwang na plot, malalaman mo na ito ay isang "fallow land" at kailangang araruhin o i-plow sa pamamagitan ng pag-click dito. Ang pag-plow sa isang plot ay nagkakahalaga ng 15 coins at katumbas nito ay isang experience point o XP.

Kapag nag-click kang muli sa isang plowed plot, lalabas ang listahan ng mga binhing maaari mong itanim. Ang listahang ito ang tinatawag na pamilihan o market. Tiyakin na ang halaga at dami ng bibilhing binhi ay naayon sa halaga ng iyong coins. Mahalaga ring tandaan ang itatagal bago mo ito anihin.

Halimbawa, sa gabi bago matulog, iwasang magtanim ng strawberries na magtatagal lamang ng apat na oras bago maani. Dahil natutulog ka sa panahon ng ani, kinabukasan paggising mo tuyo na ang iyong pananim at hindi mo mababawi ang puhunan mo sa paghanda ng plot at pagbili ng binhi.

Panglima, para mapalawak ang lupang taniman, gamitin lamang ang plow tool para makagawa ng mas maraming plot. Ang mas malawak na taniman ay nangangahulugang mas malaki ang iyong pagkakataong mapalago ang iyong kita. Pakatapos mong mag-plow, maaari mong i-click muli ang plot para makapamili ng binhingnais mong itanim, o kaya i-click ang Market button sa iyong toolbar. Dito makikita ang mga pagpipilian at mga kakayahan mo sang-ayon sa'yong level.

Pang-anim, pansinin na may mga binhing maaari mo lamang bilhin kapag narating mo ang level na kailangan para dito. Para tumaas ang iyong level, kailangan mong madagdagan ang iyong XP.

Isa sa pinamasayang bahagi ng laro ay ang pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo. Para magawa ang mga ito, kailangan mo munang magkaroon ng mga katabi o neighbors. Anyayahan lahat ng mga kaibigan mo sa Facebook na maging mga neighbor mo para magkaroon ka ng mas maraming pagkakataong makaipon ng mas maraming coins at XP.

Para makapagbigay ng regalo, i-click lamang ang "Free Gifts" sa itaas na bahagi ng screen. I-click ang regalong nais mong ibigay, i-click ang "Proceeed to Send" at piliin kung sino sa mga neighbors mo ang nais mong bigyan ng regalo. Ang uri ng regalong maaari mong ibigay ay ayon pa rin sa kasalukuyang level mo.

Upang magamit ang mga regalong ibinibigay sa'yo ng mga kaibigan mo, kailangan mo munang i-accept ang mga ito. Kapag may nagregalo sa'yo, makikita mo ang "Farmville Gift Request" sa taas at gawing kanan ng iyong Facebook homepage. I-click lamang ito upang makita ang regalong natannggap mo at kung galing kanino. Kapag na-accept na ang isang regalo ay makikita mo na ito sa imbakan ng mga regalo na makikita sa'yong Farmville toolbar.

Ngayong alam mo na ang mga panimulang hakbang, handa ka nang maglaro ng Farmville. Isang paalala lamang. Kapag maglalaro ka ng Farmville, tiyaking wala ka nang ibang mahalagang gagawin. Ito ay sapagkat lubhang nakakaaliw ang larong ito at maaaring lumipas ang ilang oras nang hindi mo namamalayan habang nakatutok sa iyong bukirin.

Tandaan lamang na kapag mas marami kang naitatanim, mas marami din ang maari mong anihin at palaki ng palaki halaga ng iyong coin at XP. Sa pamamagitan nito makakabili ka na ng mga palamuti, mga gusali, at maari mo ring palawakin ang iyong sakop na lupain sa sakahin.

Read more...

Paano ba mapapabilis ang mabagal na internet connection

Wednesday, December 16, 2009

Kung nababagalan ka sa internet connection mo, 'wag agad agad mawawalan ng pasensya. May mga paraan para mapabilis ito. Ang ilan sa mga sumusunod na mga kaparaan ay maaaring gawin agad, ang iba naman ay nangangailangan ng masusing pagbubutingting.

Una, maaari mong i-configure ang iyong browser para hindi ipalabas ang mga larawan, animations, tunog, video, at iba pang multi-media content. May mga browser din na sadyang ginawa para magpakita lamang ng mga text (text-based browers). Maaari mo lamang gamitin ang paraang ito kung text lamang ang pakay mo sa isang webpage.

Pangalawa, gumamit ng internet sa mga oras na kaunti ang ibang gumagamit. Kalimitang marami ang nagsu-surf ng iternet kapag weekend at sa gabi.

Pangatlo, gawing mabisa ang paggamit ng iyong cache storage. Ang "cache" ay ang lugar kung saan iniimbak ng iyong computer ang mga impormasyon tungkol sa mga binisita mong websites. Maaring nangangailangang i-resize mo ang iyong cache o kaya'y linisin ito ng mas madalas. Hanapin sa menu ng iyong browser ang item na may pangalang Cache o kaya Temporary Internet Files at mga katulad na items.

Pang-apat, maaari mong i-upgrade ang iyong mong modem. Sa ngayon, ang mga modem na 56.6 kbps ang pinakamabilis na telephone modem.

Panglima, magkonsulta sa iyong Internet Service Provider para matiyak na tama ang pagkaka-configure ng iyong modem.

Pang-anim, maaari mong palitan ang iyong modem ng mas mabibilis na uri gaya ng wave, ISDN, DSL, satellite, cable, at iba pa.

May mga lugar na walang cable, ISDN, at DSL connection. Kung available ang mga ito, kalimitang mas mahal ang iyong babayaran kaysa sa telephone modem.

Read more...

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP