Paano ba ang pagpigil sa sinok?

Friday, September 25, 2009

Namamasdan ko kasi ang anak ko na one-month old pa lang ngayon na medyo madalas suminok. Hindi naman ako nababahala kasi alam ko normal lang sa sanggol ang madalas na pagsinok.

Kaya lang minsan, hindi siya nakakatulog kaagad dahil sa pagsinok. Gusto ko sanang turuan siya kung paano pipigilan ang kanyang pagsinok pero napakabata pa niya para maintindihan ako.

Kaya dito ko nalang ituturo ang tamang paraan para mawala ang sinok.

Noong maliit pa ako, may mga paraan na itinuturo sa akin para mawala ang aking sinok. Pinaiinom ako ng maraming tubig, pinakakain ako ng saging, pinahihinga ako sa loob ng supot, at minsan ginugulat din ako.

May mga pagkakataong nawawala nga ang sinok ko sa mga paraang nabanggit, may mga pagkakataon naman na hindi nawawala kahit punong-puno ng tubig at saging ang tyan ko, o malabo na ang plastic dahil sa hininga ko, o kahit namutla na ako sa sobrang gulat.

Sa mga pagkakataong nawawala ang sinok ko, pinag-aralan ko kung bakit nga ba nawawala ito. Ano ang factor sa mga paraang nabanggit na siyang nagiging dahilan sa pagkawala ng sinok ko?

At heto ang aking naging findings. Wala pa akong scientific explanation nito pero napatunayan kong mabisa itong pangtanggal ng sinok.

Ito ay walang iba kundi ang simpleng pagpigil sa hininga ng mga ilang segundo. Pero hindi lang basta pagpigil sa hininga. Narito ang tamang paraan:

Unang dapat tandaan, pinakamabisa ang paraang ito kung nararamdaman mong sisinukin ka dahil hindi mo kailangang pigilin ang hininga mo ng mas matagal.

Kapag naramdaman mong suminok ka, huminga ng ubod ng lalim. Ibuka ang bibig at langhapin lahat ng hanging kaya mong ipasok hanggang sa pinakailalim ng bituka mo.

Pakatapos, pigilan itong lumabas muli sa lalamunan mo habang iniipit sa loob ng katawan mo hanggang maramdaman mong parang sasabog ang dibdib at mga ugat mo sa leeg. Bumilang hanggang sampu bago dahan dahang pakawalan ang hangin.

Kapag suminok ka pa rin matapos gawin ito, ulitin lang ang ito at pigilin ang pagbuga ng hangin ng mas matagal (mga 12 na bilang).

Read more...

Paano ba ang tamang pagbuhos sa inidoro?

Monday, September 21, 2009

Kalalabas ko lang ng comfort room (CR). Medyo nagtagal ako sa loob dahil sa isang eksperimento. Napansin ko kasi na 'yung mga mumurahing inidoro kagaya ng sa amin, kahit walang flush, ay kailangan mo pa rin ng maraming tubig para umilalim ang anumang gusto mong umilalim.

Bukod sa maaksaya ito sa tubig, nagiging matagal din ang pagbuhos. Minsan kasi, kahit isang timba na ibinuhos mo, may nititira pa ring maliit na bagay at tila ba makulit na ayaw umilalim kahit isang oras ka ng nagbubuhos.

Upang malaman ko kung paano ba ang pinakamadaling paraan ng pagbuhos, sinubukan ko ang tatlong style. Una ay direktang pagbuhos o head-on flush style. Pangalawa ay ang pagbuhos sa bandang likuran ng inidoro o back flush style. At ang pangatlo ay ang pagbuhos sa gilid o side flush style.

At ang findings: (Tantananan!)

Ang pinakamadali at pinakamatipid sa tubig ay ang... (Dandarandan!) side flush style!

I'm sure magtatanong kayo kung bakit. Bakit nga ba? Ayon sa aking oserbasyon, kapag nagbuhos ka sa bandang side ng inidoro, ang direksyon ng tubig ay paikot dahil pabilog ang butas ng inidoro. (Wala pa naman akong nakitang triangle na butas ng inidoro.)

At dahil ang butas ay diretso sa ilalim, nag-aaccelerate ang tubig pababa at nakakabuo ng parang suction na parang ipu-ipong patiwarik at hinihigop nito pailalim ang bagay na dapat umilalim.

Try nyo.

P.S.
Safe din ang side flush style laban sa tilamsik. Yuck!

Read more...

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP