Paano ba ang pagpigil sa sinok?

Friday, September 25, 2009

Namamasdan ko kasi ang anak ko na one-month old pa lang ngayon na medyo madalas suminok. Hindi naman ako nababahala kasi alam ko normal lang sa sanggol ang madalas na pagsinok.

Kaya lang minsan, hindi siya nakakatulog kaagad dahil sa pagsinok. Gusto ko sanang turuan siya kung paano pipigilan ang kanyang pagsinok pero napakabata pa niya para maintindihan ako.

Kaya dito ko nalang ituturo ang tamang paraan para mawala ang sinok.

Noong maliit pa ako, may mga paraan na itinuturo sa akin para mawala ang aking sinok. Pinaiinom ako ng maraming tubig, pinakakain ako ng saging, pinahihinga ako sa loob ng supot, at minsan ginugulat din ako.

May mga pagkakataong nawawala nga ang sinok ko sa mga paraang nabanggit, may mga pagkakataon naman na hindi nawawala kahit punong-puno ng tubig at saging ang tyan ko, o malabo na ang plastic dahil sa hininga ko, o kahit namutla na ako sa sobrang gulat.

Sa mga pagkakataong nawawala ang sinok ko, pinag-aralan ko kung bakit nga ba nawawala ito. Ano ang factor sa mga paraang nabanggit na siyang nagiging dahilan sa pagkawala ng sinok ko?

At heto ang aking naging findings. Wala pa akong scientific explanation nito pero napatunayan kong mabisa itong pangtanggal ng sinok.

Ito ay walang iba kundi ang simpleng pagpigil sa hininga ng mga ilang segundo. Pero hindi lang basta pagpigil sa hininga. Narito ang tamang paraan:

Unang dapat tandaan, pinakamabisa ang paraang ito kung nararamdaman mong sisinukin ka dahil hindi mo kailangang pigilin ang hininga mo ng mas matagal.

Kapag naramdaman mong suminok ka, huminga ng ubod ng lalim. Ibuka ang bibig at langhapin lahat ng hanging kaya mong ipasok hanggang sa pinakailalim ng bituka mo.

Pakatapos, pigilan itong lumabas muli sa lalamunan mo habang iniipit sa loob ng katawan mo hanggang maramdaman mong parang sasabog ang dibdib at mga ugat mo sa leeg. Bumilang hanggang sampu bago dahan dahang pakawalan ang hangin.

Kapag suminok ka pa rin matapos gawin ito, ulitin lang ang ito at pigilin ang pagbuga ng hangin ng mas matagal (mga 12 na bilang).

0 comments:

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP