Paano ba mapapabilis ang mabagal na internet connection

Wednesday, December 16, 2009

Kung nababagalan ka sa internet connection mo, 'wag agad agad mawawalan ng pasensya. May mga paraan para mapabilis ito. Ang ilan sa mga sumusunod na mga kaparaan ay maaaring gawin agad, ang iba naman ay nangangailangan ng masusing pagbubutingting.

Una, maaari mong i-configure ang iyong browser para hindi ipalabas ang mga larawan, animations, tunog, video, at iba pang multi-media content. May mga browser din na sadyang ginawa para magpakita lamang ng mga text (text-based browers). Maaari mo lamang gamitin ang paraang ito kung text lamang ang pakay mo sa isang webpage.

Pangalawa, gumamit ng internet sa mga oras na kaunti ang ibang gumagamit. Kalimitang marami ang nagsu-surf ng iternet kapag weekend at sa gabi.

Pangatlo, gawing mabisa ang paggamit ng iyong cache storage. Ang "cache" ay ang lugar kung saan iniimbak ng iyong computer ang mga impormasyon tungkol sa mga binisita mong websites. Maaring nangangailangang i-resize mo ang iyong cache o kaya'y linisin ito ng mas madalas. Hanapin sa menu ng iyong browser ang item na may pangalang Cache o kaya Temporary Internet Files at mga katulad na items.

Pang-apat, maaari mong i-upgrade ang iyong mong modem. Sa ngayon, ang mga modem na 56.6 kbps ang pinakamabilis na telephone modem.

Panglima, magkonsulta sa iyong Internet Service Provider para matiyak na tama ang pagkaka-configure ng iyong modem.

Pang-anim, maaari mong palitan ang iyong modem ng mas mabibilis na uri gaya ng wave, ISDN, DSL, satellite, cable, at iba pa.

May mga lugar na walang cable, ISDN, at DSL connection. Kung available ang mga ito, kalimitang mas mahal ang iyong babayaran kaysa sa telephone modem.

0 comments:

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP