Paano ba gumawa ng home-made na hamon?

Tuesday, December 22, 2009

Tuwing Pasko, kahit gusto nating magtipid sa gastos, pero gusto pa rin nating maging espesyal ang noche buena. Lalo pa't Pasko lamang ang araw na nagkakatipon ang marami sa mga pamilyang Pilipino sa loob ng isang taon.

At kapag noche buena ang pinag-uusapan, hindi mawawala ang tradisyonal na hamon o ham. Karamihan sa atin ay bumibili na lamang ng handa nang ihain sa oras ng noche buena. Pero sa mga gustong makatipid, mas gugustuhin nilang gumawa na lamang ng sariling hamon. Ngunit paano nga ba gumawa ng hamon sa bahay?

Narito ang mga kakailanganing sangkap. Sa kada limang kilong karneng baboy, kakailanganin ang:

1 tasang asin
3/4 tasang pulang asukal
1 kutsaritang cinnamon
1 kutsaritang pamintang durog

Haluin lamang sa isang lalagyan ang mga sangkap na ito. Kapag nahalo na ng mabuti, imasahe ito ng matagal sa ibabaw ng karne. Siguraduhing malagyan ang bawat bahagi ng karne.

Kung gustong madaling masipsip ng karne ang sangkap, magtabi ng kaunting sangkap, lagyan ng kaunting tubig at tunawin. Kapag natunaw na, kumuha ng bagong sterilized na syringe at iineksyon ang tinunaw na sangkap sa laman ng karne.

Pakatapos, ilagay ang karne sa loob ng isang plastik na lalagyang may mahigpit na takip. Ipasok ito sa ref at huwag bubuksan sa loob ng ilang araw. Kung naiineksyon ang sangkap sa karne, kailangang maghintay ng isang linggo para manuot ang sangkap sa karne. Pero kung hindi, kakailanganin ang dalawang linggong paghihintay.

0 comments:

  © Blogger template Writer's Blog by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP